Target ng Quezon City Government na bumili ng 2,669 na residential condo units para sa informal settler families (ISFs) sa lungsod.
Patunay dito ang nilagdaang Memorandum of Agreement ng LGU at 8990 Housing Development Corporation na developer ng Urban Deca Homes Commonwealth.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na pangunahing prayoridad pa rin ng lungsod na mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na residente partikular ang higit 200,000 ISFs.
Kasama sa bibilhin ng lokal na pamahalaan ang apat na high rise buildings, condo units at 522 parking slots.
Maaaring makapamili ang mga benepisyaryo ng studio type at may 1, 2 at 3 bedrooms na unit.| ulat ni Rey Ferrer