QCPD, nanguna sa may pinakamaraming naarestong Wanted Persons

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakamit ng Quezon City Police District (QCPD) ang pinakamataas na bilang ng mga naarestong Wanted Persons sa buong Metro Manila.

Batay sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Headquarters, matagumpay na naaresto ng QCPD ang 93 wanted individuals mula September 1 hanggang 21, 2024 na pinakamataas na bilang ng mga naaresto sa lahat ng limang Police Districts sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa QCPD, sumasalamin ang tagumpay na ito sa kanilang mandato na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Lungsod Quezon.

Hinikayat naman ni QCPD Chief Police Brig. Gen. Red Maranan ang publiko na magbigay ng impormasyon kung mayroon nalalaman na wanted sa kanilang lugar.

“Patuloy ang aming pagsisikap upang masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod. Ang pinaigting na kampanya laban sa wanted persons ay isang napakahalagang aspeto ng crime prevention,” ani PBGEN Maranan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us