Ginisa ni Quad Commitee co-chair Benny Abante si Cassandra Li Ong, ang isa sa incorporator ng Whrilwind Corporation at authorized represenrative ng Lucky South 99 na sangkot siya sa operasyon ng POGO.
Hindi tinantanan ni Abante si Ong hanggang sa umamin ito na ang lisensyang nilakad niya sa PAGCOR ay para sa operasyon ng POGO ng Lucky South 99.
Sa interpelasyon ng Manila solon kay Ong, makailang beses sinabi ni Ong na hindi siya sangkot sa POGO at tanging pagpapaupa lang ng lupa ng Whirlwind sa Lucky South 99 ang kaniyang trabaho.
Gayonman inamin ni Ong na kapwa nila pagmamay-ari ang Whirlwind at Lucky South.
Kaya naman ani Abante, malabo na hindi alam ni Ong na POGO ang operasyon ng Lucky South.
Binalaan pa niya si Ong na maaaring ma-contempt muli at tuluyang ipadala sa Correctional Facility sa Mindanao.
Bandang huli, napaamin na rin si Ong na ang kaniyang inasikaso at inilapit sa PAGCOR ay renewal ng permit to operate ng POGO at nagbayad din ng pagkakautang.
Gayonman iginiit niya na napag-utusan lang siya at hindi siya ang orihinal na nagparehistro. | ulat ni Kathleen Forbes