Hiniling na ng Quad Committee ng Kamara sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masinsinang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay sa tatlong Chinese drug lord na nakapiit sa Davao Penal Colony noong 2016.
Si Antipolo Rep. Romeo Acop ang nagmosyon na atasan ng komite ang NBI na imbestigahan at mangalap pa ng mga ebidensya upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng naturang krimen.
“Mr. Chair, may I move that the NBI should conduct an investigation and get all the pieces of evidence and documents given to this committee so that they can file the necessary charges against those people who should be charged because of this crime” ani Acop.
Sabi pa niya, sa serye ng mga pagdinig ng komite ukol sa extrajudicial killing ay halos kumpleto na nila ang nga taong maaaring sangkot dito maliban na lang kay SP04 Arthur Narsolis, na nag alok sa inmate na si Fernando “Tata” Tan para trabahuhin ang naturang Chinese drug lords.
Si Narsolis ay itinuturong tauhan naman nina dating PCSO General Manager Royina Garma at NAPOLCOM chief at dating CIDG Colonel Edilberto Leonardo na utak ng pagpatay.
Nagkakatugma rin aniya ang nga sinumpaang salaysay ng sangkot na PDL maging ang dating warden ng Davao Penal colony na si Col. Gerardo Padilla.
“My request that the Attorney Galicia of the NBI would take note of what would be taken. After the numerous hearings of this Quad Committee on Extrajudicial Killing, nandito na po lahat yung major players ng conspiracy to commit murder doon sa Davao Penal Colony. Ang absent na lang yung tao na hinahanap natin, SPO4 Arthur Narzolish na tauhan ni Col. Leonardo at naging tauhan din ni Col. Garma.” sabi ni Acop
Para sa mambabatas, hindi maisasakatuparan ang naturang operasyon kung walang basbas ng matataas na opisyal ng piitan.
“Kasi yung conspiracy to commit murder, sabi po nila ay nag-start noong pumunta si SPO4 Narsolis at contact-in yung kaklase niya ng high school. Inaamin ni PDL Tata Tan, na kaklase niya sa high school at kinausap niya tungkol sa isang operation sa loob ng Davao Penal Colony…The killing of the 3 would not have been committed without the participation of officials and members of the Davao Penal Colony.” dagdag pa niya
Naniniwala naman si Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers na kailangan nila ipaubaya sa NBI ns eksperto sa pag iimbestiga ang naturang isyu
“Yung aming investigation, kinakilangan pa na mas malalim na investigation diyan. We need the experts to do that. Sino yan? Siyempre yung National Bureau of Investigation. Kaya may motion si Congressman Acop na ibigay doon ang investigation to determine the culpability of several personalities, including Col. Garma, Col. Leonardo, at saka iba pang personalities.” Ani Barbers | ulat ni Kathleen Forbes