Quad Committee, di maglalabas ng dokumento na magagamit para sa imbestigasyon ng ICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang House Quad Committe na hindi nito ilalabas ang mga transcript at iba pang dokumento tungkol sa imbestigasyon sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon para magamit sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang binigyang-diin ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers matapos umapela ang human rights lawyer na si Atty. Joel Butuyan, kung maaaring makahingi ng mga dokumento na hawak ng komite para mapabilis ang pag-isyu ng Warrant of Arrest ng ICC.

Giit ni Barbers, tatalima sila sa posisyon ng Ehekutibo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Gayunman, ani Barbers, dahil sa ang mga pagdinig ng komite ay naka-livestream sa iba’t ibang broadcast platform at accessible sa publiko, ito aniya ay bukas din sa ICC na magamit.

Sa ikalimang pulong ng QuadComm, sumentro ang usapin sa umano’y pagmamalabis sa ipinatupad na “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

Kasama na dito ang pagpapapatay sa tatlong Chinese drug lords sa loob mismo ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us