QuadComm, desidido na tuluyang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama sa mga panukala na pinaplantsa ng Quad Committee ng Kamara ang tuluyang pagbabawal sa anomang uri ng offshore gaming sa Pilipinas.

Ayon kay Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers, kailangan ngayon ng batas na magpapawalang bisa sa Executive Order No. 13 ng nakaraang administrasyon na nagpapahintulot sa operasyon ng POGO.

Sinabi niya, hangga’t walang batas na tuwirang magbabawal sa POGO ay magkakaroon pa rin ng operasyon sa ilalim ng ibang pangalan, gaya na lang ng internet ganing licensees (IGL) ngayon.

Punto pa niya kung iligal ang POGO sa China ay hindi ito dapat isaligal sa ating bansa.

“Ayan ang aming isa sa proposal namin.  Kasi why will we legalize something that is illegal?  Ang source nito, ang origin nito is China. And China considered this industry as an illegal gaming industry.  Bakit natin isasa-ligal dito?  So dito sa aming panukala, talaga ipagtitibay dito na hindi na pwede mga ganitong klaseng offshore gaming operations,” sabi ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us