QuadComm Lead Chair, pinuri ang pagkakahuli kay Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang makakapagtago sa batas.

Ito ang binigyang-diin ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers matapos mahuli si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Aniya, malaking bagay ang maayos na koordinasyon at palitan ng impormasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at ibang bansa partikular ang Indonesia kung saan nahuli si Guo.

“Well all I can say is you can run, but you cannot hide. Obviously nakita natin na mayroong ganitong nangyari because of the sharing of intelligence information among all these countries. Ito ang naging produkto, nahuli si Alice Guo,” ani Barbers.

Payo naman ni Barbers sa iba pang sangkot sa mga iniimbestigahang isyu lalo na sa operasyon ng iligal na POGO na sumuko na.

“Ang gusto kong iparating sa mga nagtatago, eh di sana lumabas kayo kasi the long arm of the law will definitely catch up with you,” sabi pa ng mambabatas.

Madaling araw ng September 4 nang maaresto ng mga awtoridad si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia at kasalukuyang nasa kustodiya ng Indonesian Police. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us