Hiniling ng Quad Committee ng Kamara sa CAAP, Bureau of Immigration at maging Bureau of Quarantine na siyasatin ang ilang kaduda-dudang lipad ng chartered o private na eroplano mula Hunyo hanggang Agosto kung saan pawang mga Chinese ang piloto.
Sa isinagawang pag-dinig ng Quad Committee kaugnay sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa, inatasan ni Quad Comm Chair Dan Fernandez sa isumite ng CAAP, BOQ at Immigration ang mga dokumento kaugnay sa naturang mga flight.
Isa rito ang biyahe mula Manila patungo ng Singapore nitong Agosto kung saan tatlong Chinese na piloto ang lumipad gamit ang Pacific Flight Services pero walang lamang kargamento o pasahero.
Sa kaparehong buwan, may isa ring chartered flight mula Puerto Princesa patungo ng Singapore na pawang Chinese din ang piloto.
Hunyo naman ay mayroon ding lipat mula naman Clark patungong Kota Kinabalu wala rin pasahero.
Hulyo naman, mayroon ding lumipad na chartered plane mula naman Puerto Princesa patungong Singapore.
Ani Fernandez bagamat sinabi n ani Alice Guo at ni Shiela na bankga ang kanilang sinakyan papalabas ng bansa, ay kailangan pa rin masilip ang naturang mga flights. | ulat ni Kathleen Forbes