Quick response team ng DSWD, naka-deploy na sa Eastern Visayas kasunod ng banta ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at handa nang rumesponde sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Enteng.

Pinakilos na ng DSWD ang mga regional field office nito at pina-activate na rin ang Quick Response Team.

Kabilang sa tinututukan ang Eastern Visayas na unang tinahak ng tropical depression.

Sa tala ng DSWS FO-8, nakahanda ang 76,836 family food packs (FFPs) at 29,531 non-food items na nakaposisyon sa iba’t ibang lokasyon sa rehiyon.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang agarang makakuha ng ulat tungkol sa kalagayan ng mga apektado.

Kaugnay nito, as of September 1, mayroon nang naitala ang DSWD na siyam na pamilya o 44 na indibidwal na kinailangang ilikas dahil sa epekto ng bagyong Enteng. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us