Ratipikado na rin sa Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng Archipelagic Sea Lanes (ASLs) Bill.
Ibig sabihin nito, maaari na ito maiakyat sa Taggapan ng Pangulo upang malagdaan bilang ganap na batas.
Malaki naman ang pasasalamat ni House Committee on Foreign Affairs Chair Maria Rachel Arenas sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado sa mabilis na pag-usad ng panukala sa Bicam.
Aniya, mahalaga ang panukala na ito para sa proteksyon ng ating maritime domain.
Giit pa niya na ang pagtatakda ng Archipelagic Sea Lanes sa ating katubigan, salig sa mandato ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay importanteng hakbang para pangalagaan ang integridad ng ating pambansang teritoryo habang iginagalang ang international law.
Sa ilalim ng panukala ay magtatakda ng sea lanes ng Pilipinas at panuntunan sa pagdaan ng mga dayuhang sasakyang pandagat at panghimpapawid.
Maglalatag din ng sistema ng archipelagic sea lanes kung saan pagdurugtungin ang coordinates ng:
Sea Lane 1- Philippine Sea-Balintang Channel-West Philippine Sea
Sea Lane 2- Celebes Sea-Sibutu Passage-Sulu Sea-Cuyo East Pass-Mindoro Strait-West Philippine Sea
Sea Lane 3- Celebes Sea-Basilan Strait-Sulu Sea-Nasubata S=Channel-Balabac Strait-West Philippine Sea.
“This Act is designed to provide clear guidelines for the passage of foreign ships and aircraft through our archipelagic waters, ensuring that such passage does not undermine our national security or disturb the peace and good order of our country. Together with the Philippine Maritime Zones Act, reinforces the Philippines’ commitment to international maritime law, particularly UNCLOS, while fostering greater cooperation with neighboring states in maintaining peace and stability in the region,” saad ni Arenas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes