Pinaigting ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang mga rescue at relief operations upang tulungan ang mga naapektuhan ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Luzon at Visayas.
Ito ay dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Enteng.
Ayon sa PRC, handa na ang kanilang mga asset para sa mas matinding pag-ulan bago pa man pumasok ang bagyo.
Nag-deploy ang PRC ng kanilang rescue boat, amphibians, ambulansya, at water tanker, at naka-standby ang kanilang mga truck at payloader.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 4,000 na pamilya o mahigit 19,000 na indibidwal ang natulungan ng PRC sa 72 evacuation centers na lubhang naapektuhan ng bagyo sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Bukod dito ay namahagi rin ang PRC ng mainit na pagkain sa mga stranded na pasahero sa pantalan. | ulat ni Diane Lear