Nag-sorry si PAGCOR Senior Vice President for Security Raul Villanueva sa dating mga naging hepe ng pambansang pulisya kaugnay ng ibinahagi niyang unverified information noong nakaraang linggo sa Senate hearing na isang dating PNP chief ang nasa payola ng mga POGO.
Sa pagdinig ngayong araw, prinesenta ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na dati ring PNP chief, ang pahayag ng Council of Chiefs o ang samahan ng mga dating naging hepe ng pambansang pulisya.
Sa naturang pahayag, kinokondena ng grupo ang pahayag na ginawa ni Villanueva at tinawag na isang ‘sweeping accusation’ ang pahayag na nakaksira sa reputasyon ng mga dating chief PNP.
Kaugnay nito, humingi ng pasensya si Villanueva sa mga dating PNP chief kung ganito ang naging interpretasyon ng grupo.
Giniit ng Villanueva, malaki ang respeto niya sa mga dating chief PNP.
Nilinaw rin nito na sa pagdinig noong nakaraang linggo ay nilinaw na niyang ang ibinahagi niyang impormasyon ay hindi pa kumpirmado.
Sinabihan naman ni Dela Rosa si Villanueva na bilang isa ring retiradong heneral ay dapat maging maingat sa pagsasapubliko ng mga unverified information.| ulat ni Nimfa Asuncion