Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Retired Police General Thompson Lantion, bilang bagong Chairman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez (September 10).
Papalitan ni Lantion ang babakantehing pwesto ni BCDA Chair Delfin Lorenzana.
Si Lantion, ay miyembro ng Philippine Military Academy Class ’69.
Una na rin itong nakapanumpa sa pwesto, sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan