Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nasa Regional Trial Court (RTC) branches na ang mga eturn warrant ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ang return warrant ay kabilang sa proseso para ipabatid sa korte na naaresto na ang Pastor
Kabilang sa kinahaharap na kaso ni Quiboloy ang child abuse, sexual abuse sa QC RTC Branch 106 na bailable; at kasong qualified human trafficking na isinampa sa Pasig RTC na walang piyansa.
Sa mensahe ni Abalos sinabi nito, na hindi na sinama si Quiboloy sa pagbibigay ng return warrant sa mga RTC branches | ulat ni Rey Ferrer