Pinangunahan ni Quezon City Rep. Marvin Rillo kasama si East Avenue Medical Center (EAMC) chief Dr. Alfonso Nuñez III ang pagbubukas ng Rillo-Romualdez Ambulatory Care Center.
Sa pamamagitan nito ay makakabenepisyo ang mga pasyente ng libreng serbisyong medikal gaya ng clinical consultations, endoscopy, ultrasound, iba pang diagnostic services, at laboratory tests.
Mayroon ding libreng hemodialysis treatment para sa mga pasyente na may sakit sa bato, free minor surgeries, eye examinations, at salamin.
Ang naturang care center ay sa naisakatuparan sa pagtutulungan nina Rillo, House Speaker Martin Romualdez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Department of Health, EAMC at Passion Healthcare Philippines Inc.
“We have effectively established an augmentation hospital for the EAMC here. The EAMC now has the option to refer individuals seeking medical treatment to our ambulatory care center, or patients can come directly to us for free diagnostic and treatment services,” sabi ni Rillo.
Sa paraang ito, ani Rillo, kapag masyadong madami ang pasyente ng East Avenue, partikular ang outpatient cases ay maaaring i-refer na ng ospital ang pasyente sa naturang care center.
Matatagpuan ito sa MC Rillo Building sa Barangay Mariana, Quezon City.| ulat ni Kathleen Forbes