Malaki ang pasasalamat ng mga kongresista mula Rizal sa pagbuhos ng tulong para sa kanilang mga kababayang nasalanta ng bagyong Enteng.
Si Rizal 3rd District Representative Jojo Garcia, nagpasalamat kay PAGCOR Chair Al Tengco at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga lumikas na residente.
Maliban sa food packs nabigyan din ng hygiene kits ang mga residente ng kaniyang distrito na nananatili sa mga evacuation centers.
Si Rizal 2nd District Representative Dino Tanjuatco, nagpasalamat namam sa pagtulong ng pribadong sektor.
Isang kilalang Filipino food chain ang agad tumugon para makapagpadala ng pagkain sa mga residenteng inilikas mula sa kaniyang distrito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes