Halos palibutan na ng mga barko ng China ang Pag-asa islands at Sabina shoal sa West Philippine Sea, sa paglobo ng bilang ng mga ito sa nakalipas na Linggo.
Sa huling datos na inilabas ng Philippine Navy, 71 barko ng China na binubuo ng 53 Chinese Maritime Militia Vessel (CMMV), 9 na People’s Liberation Army Navy (PLAN) at 9 na China Coast Guard Vessel (CCGV) ang na-monitor sa Sabina Shoal mula Agosto 27 hanggang Setyembre 2.
Malaki ang itinaas nito sa 53 barko ng China na na-monitor sa lugar sa naunang linggo mula Agosto 20 hanggang 26.
Umakyat din ang bilang ng mga barko ng China na namonitor sa palibot ng Pag-asa islands sa 52 sa panahong Agosto 27 hanggang Setyembre 2, mula sa 35 na na-monitor sa naunang linggo.
Sa pangkalahatang, 203 barko ng China ang namonitor sa iba’t ibang feature na kontrolado ng Pilipinas sa WPS sa nagdaang linggo, mula sa dating na-monitor na 163. | ulat ni Leo Sarne