Sabina Shoal, hindi kontrolado ng Chinese – AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kontrolado ng Chinese ang Sabina Shoal, sa kabila ng paglisan sa lugar ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinado, iginiit ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na ang presensya ng maraming barko ng China sa Sabina Shoal ay iligal.

Hindi naman nagbigay ng komento si Trinidad sa tanong ukol sa posibleng pag take over ng China sa Sabina Shoal na kilala din bilang Escoda Shoal, pero sinabi niyang may “contingency plans” ang AFP sa ano mang posibleng sitwasyon.

Paliwanag pa ni Trinidad, walang epekto ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa kakayahan ng Pilipinas na bantayan ang Sabina Shoal dahil maraming paraan para i-monitor ang sitwasyon sa lugar at maging sa kabuuan ng West Philippine Sea.

Tiniyak pa ng opisyal, na hindi magpapatinag ang AFP sa pagganap ng kanilang mandato na protektahan ang lahat ng features sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us