Nagsimula nang matanggap ng mga guro at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan ang kanilang salary increase differentials para sa taong 2024.
Ayon sa Department of Education (DepEd), inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P26.9 bilyong para sa nasabing salary increase.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang karagdagang sahod ay para sa buwan ng Enero hanggang Agosto ay matatanggap ng mga empleyado ngayong Setyembre.
Samantala, ayon kay Education Usec. Annalyn Sevilla, ilang rehiyon na ang nagpalabas ng salary increase kabilang dito ang Ilocos Region, Central Luzon, at MIMAROPA.
Habang ang Cordillera Administrative Region, Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region ay nagsimula na rin sa pagpapatupad ng partial release ng kanilang salary increase.| ulat ni Diane Lear