Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Analyn Sevilla na mula ngayong September payroll ay mararamdaman na ng mga guro ang salary increase salig sa inilabas na Executive Order 64.
Sa pag-usisa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa budget hearing ng DepEd, sinabi ng opisyal na nakapaglabas na sila ng memorandum para sa salary adjustment.
Pinahintulutan din aniya sila ng Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang kanilang savings para sa pagpapatupad nito.
Sa kasalukuyan mayroon nang tatlong rehiyon ang nakapagpatupad ng salary differential, lima ang partially released, at ang nalalabi ay nasa proseso na.
Maliban sa salary differential kasama sa kanilang matatanggap ang retroactive increase para sa buwan ng Enero hanggang Agosto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes