Plano na rin ng isang local government unit sa Pangasinan na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isang kasunduan ang pormal nang nilagdaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng San Fabian, Pangasinan LGU para sa proyektong pabahay.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni San Fabian Mayor Marlyn Agbayani na ang proyekto ay nakatuon sa pag-aalok ng abot-kayang pabahay partikular sa marginalized community sa nasabing bayan.
Tiniyak naman ni DHSUD Undersecretary Garry de Guzman na magbibigay ng technical assistance ang ahensya para maisakatuparan ang panukalang housing project.| ulat ni Rey Ferrer