Panalo ang mga estudyante ng Philippine Science High School – Cordillera Administrative Region Campus ng 1st prize sa Salinlahi Evolution, an app development competition.
Ito ay dahil sa kanilang ginawang laro na Telling Science Top Down.
Layon ng naturang laro na aksyunan ang mga kasalukuyang environmental issues, partikular ang mga problema sa lupa at tubig sa pamamagitan ng mga puzzles.
Binibigyan diin ng PSHS-CAR ang kahalagahan ng aksyon ng bawat isa at partisipasyon sa pag buo ng mas malusog na planeta.
Nanawagan din ang nasabing app sa mga kabataan na maging pag asa ng mas magandang kinabuksan.
Ang naturang kompetisyon ay nagpapakita ng mga creative solutions mula sa mga kabataan kung paano sosolusyunan ang mga totoong problema ng mundo sa pamamagitan ng mobile game applications. | ulat ni Lorenz Tanjoco