Security agreement ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa, makatutulong para pigilan ang aksyon ng China sa West Philippine Sea — SP Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate President Chiz Escudero, ang mga pinapasok na security agreements ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa ay epektibong paraan para mapigilan ang agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Partikular na tinutukoy Senate president ang pinirmahang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas kasama ang Japan at ang isinusulong pang bilateral defense agreement ng ating bansa sa Vietnam, France, at Germany.

Ayon kay Escudero,makatutulong ang ganitong mga kasunduan habang hindi pa sapat ang lakas at kakayahan ng ating militar para mag-isang pigilan ang mga aksyon ng China.

Sa ngayon ay nakatakda pa lang ipasa para sa pag-apruba ng Senado ang RAA ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ng Senate president na kailangan nang isumite ng Department of National Defense (DND) sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang dokumento ng naturang kasunduan para maaprubahan bago matapos ang taon.

Ito’y lalo na aniya’t pagkatapos ng kanilang Session Break ngayong Oktubre ay mas pagtutuunan na ng pansin ng Senado ang panukalang 2025 National Budget. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us