‘Security collaboration’ ng Philippine at Malaysian Navies, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinulong ng Philippine Navy (PN) at Royal Malaysian Navy (RMN) ang kanilang “maritime security collaboration” sa pamamagitan ng pagdaraos ng ika-26 na “Navy-to-Navy Talks.”

Ang Philippine Navy ang nag-host ng pagpupulong na isinagawa sa Manila Peninsula Hotel noong Miyerkules.

Ang pag-uusap ng mga opisyal ng dalawang hukbong pandagat ay pinangunahan ni PN Vice Commander, Rear Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta PN at Rear Admiral Farizal Myeor, ang Assistant Chief of Staff for Operations and Training ng RMN.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander John Percie Alcos, itinuturing ng PN ang kanilang partnership sa RMN na mahalaga sa pagsulong ng regional stability, pagtiyak ng maritime safety at pangangalaga ng maritime interests ng dalawang bansa.

Kapwa nanindigan ang PN at RMN na isulong ang mas malapitang relasyong pandepensa para sa benepisyo ng pangkalahatang regional maritime community. | ulat ni Leo Sarne

📸: Philippine Navy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us