Maayos at tahimik na pinasimulan ang unang araw ng 2024 Bar Examination sa UP Diliman sa Quezon City ngayong umaga.
Bantay-sarado ang lahat ng papasok sa UP Campus at walang pinapapasok na iba maliban sa mga kukuha lamang ng examination.
Itinakda ang pagsusulit ngayong Setyembre 8 at masusundan pa sa Setyembre 11 at 15.
May itinalagang 13 Local Testing Centers sa buong bansa para sa pagsusulit, anim(6) dito ay sa National Capital Region(NCR), dalawa(2) sa Luzon, tatlo(3 )sa Visayas at dalawa(2) sa Mindanao.
Kabilang dito ang:
- University of the Philippines-Diliman
- University of Santo Tomas
- San Beda University
- Manila Adventist College
- University of the Philippines-Bonifacio Global City
- San Beda College-Alabang, Muntinlupa City
Aabot sa 12,246 law graduates ang nakarehistro para kumuha ng Bar Exams.
Noong 2023 Bar Examinations, may 3,891 mula sa kabuuang 10,791 examinees ang nakapasa o nagbunga ng passing rate na 36.77%. | ulat ni Rey Ferrer