Muling nagpaalala si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa publiko na mag ingat sa mga sakit na dulot ng pagbaha.
Ito ay sa gitna ngayon ng pananalasa ng bagyong Enteng at Habagat.
Paalala ni Go, hanggat maaari ay umiwas sa paglusong sa baha para hindi makakuha ng mga sakit gaya ng leptospirosis.
Kasabay nito ay muling nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na iprayoridad ang pagbuo ng flood control master plan.
Dapat aniyang gamitin ng DPWH ng episyente ang kanilang pondo para matiyak na magiging epektibo ang flood control initiatives ng pamahalaan.
Umapela rin si Go sa ahensya, na rebyuhin ang mga stratyehiya sa pagbuo at pagpapatupad ng flood control projects. | ulat ni Nimfa Asuncion