Sen. Bong Revilla, opisyal nang inanunsyo bilang senatorial candidate ng LAKAS-CMD para sa 2025 Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangalanan na ng Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang opisyal na senatorial candidate ng partido para sa 2025 Midterm Elections.

Sa resolusyong pinagtibay ng partido, ninomina si Revilla bilang sole candidate ng Lakas para sa pagka-senador.

Tinanggap naman ni Revilla ang endorsement ng partido at nagpasalamat si LAKAS-CMD President House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa tiwala at suporta nito.

Hangad aniya ng reelectionist senator na ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bansa.

Miyembro ng LAKAS-CMD si Revilla mula pa ng naging bise gobernador ito ng probinsya ng Cavite o may kabuuan nang 30 taon ngayon.

Tatakbo si Revilla para sa kanyang 4th term sa Senado.

Kabilang naman sa mga sinulong nitong mga panukala na naging batas ay ang:

  • ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ (RA 11997),
  • ‘Expanded Centenarians Act’ (RA 11982),
  • ‘No Permit, No Exam Prohibition Act’ (RA 11984),
  • ‘Free College Entrance Examinations Act’ (RA 12006),
  • at ang ‘Permanent Validity of the Certificates of Live Birthday, Death, and Marriage Act’ (RA 11909). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us