Sen. Dela Rosa, nilinis ang pangalan sa gitna ng impormasyong nasa payola ng POGO ang isang dating PNP chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanghingi ng linaw si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa tungkol sa pagkakakilanlan ng sinasabing dating Philippine National Police (PNP) chief na nasa payola ng POGO sa bansa.

Matatandaang ibinahagi ni retired General at PAGCOR Senior Vice President Raul Villanueva na may mga impormasyong kumakalat sa intelligence community na isang dating PNP chief ang dati pa ay nasa payola ng mga POGO.

Bago matapos ang pagdinig ng Senate Committee on Women kahapon, kinuha ni Dela Rosa ang pagkakataon para mabigyang linaw kung siya ba ang tinutukoy sa mga impormasyong ito.

Sinabi naman ni Villanueva na sa kanyang palagay ay hindi naman si Dela Rosa ang umuugong sa mga intel report.

Ito’y bagamat nilinaw ng opisyal na wala pa ring kumpirmasyon ang naturang report at kasalukuyan pang bineberipika ng mga awtoridad.

Tinanong rin ni Dela Rosa si dating Mayor Alice Guo tungkol sa isyu.

Tugon ni Guo, wala siyang payola sa mga opisyal ng Kapulisan.

Nanghingi rin ng klaripikasyon ang senador kay Guo kung nagkita na ba sila dati.

Sinabi naman ng dating alkalde na ngayong nasa Senado lang niya nakita ng personal si Dela Rosa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us