Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na maraming pang isisiwalat si dating Mayor Alice Guo sa susunod na magiging executive session ng Senado.
Para kay Tolentino, nakausad na ang imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan matapos ang naging executive session kahapon.
Direkta at kalmado aniya ang naging sagot ng dating alkalde sa kanilang executive session.
Gayunpaman, alinsunod sa rules ng executive session ay hindi nagbigay ng detalye ang majority leader tungkol sa napag-usapan sa close-door session.
Sinabi ng senador na indikasyon na sa paggalang ni Guo sa Senado ang pagpayag nitong pumasok sa isang executive session.
Sa palagay ng mambabatas, marami pang ibubunyag si Guo lalo na aniya sa kondisyon niya ngayong sa Pasig City Jail ito nakapiit.
Samantala, naniniwala naman si Senador JV Ejercito na maaaring makonsidera bilang state witness si Guo kung ma-eestablish na hindi siya ang least guilty sa ilegal na aktibidad ng mga POGO sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion