Sen. Grace Poe, nanawagan ring ipagpaliban muna ang rollout ng Revised Tollways Guidelines

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador Grace Poe ang panawagan ng mga mambabatas sa Kamara na ipagpaliban na muna ang October 1-rollout sa mga cashless toll plaza.

Giit ni Poe, bago magpatupad ng multa sa mga motorista ay dapat munang tiyakin ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na maaasahan at wala nang magiging aberya sa devices ng mga tollgate.

Sinabi ni Poe na sa ngayon ay marami pa ring mga reklamo tungkol sa mga hindi nababasang RFID kapag dumadaan sa mga tollgate kaya kadalasang nauuwi sa manual scanning ng cards na nagiging sanhi naman ng traffic sa mga sasakyan.

May ibang reklamo rin aniyang hindi tugma ang balanse sa mga RFID sa naka-display sa mga devices sa tollgate.

Dapat pa rin aniyang magkaroon ng isang lane para sa cash payment para sa mga pagkakataong hindi gagana ang mga scanner.

Gayundin ang araw-araw na mahabang pila sa mga solitary booth sa NLEX na nag-i-install ng RFID, ibig sabihin, kulang ang lugar para makakuha ng access sa mga sticker.

Muli namang naningil si Poe sa pangakong magkakaroon ng iisang RFID lang para sa lahat ng tollway.

Binigyang-diin ng mambabatas na deserve ng mga motorista ang de-kalidad na serbisyo na kanilang binabayaran sa mga toll. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us