Sen. Imee Marcos, umatras na sa senatorial slate ng administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na umatras na siya mula sa pagiging bahagi ng senatorial slate ng administrasyon para sa 2025 midterm elections.

Paliwanag ni Marcos, mas gusto niyang maging malaya sa kanyang magiging pagtakbo at nang hindi natatali sa iisang alyansa.

Sa kabila ng pagkalas sa admin slate, bukas pa rin aniya si Senator Imee na umakyat sa entablado ng alyansa kung iimbitahan siya ng kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ngayon ay hindi pa aniya nakakausap ng mambabatas ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos, maging ang kanyang kinabibilangang Nacionalista party kaugnay ng desisyon na ito.

Hindi pa rin aniya niya alam kung magre-resign siya sa naturang partido. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us