Sen. Jinggoy Estrada, magpreprisinta ng mga ebidensyang magpapatunay na magkasosyo sa negosyo sina dating Mayor Alice Guo at Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpreprisinta si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng mga bagong ebidensya sa magiging pagdinig ng Senate Committee on Women bukas, na magpapatunay na maramimg negosyo na magka sosyo sina dating Mayor Alice Guo at si Sual Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay.

Ayon kay Estrada, maipapakita ng mga dokumentong nakalap ng kanyang tanggapan na hindi lang sila magkasosyo sa POGO kung hindi maging sa marami pang ibang negosyo.

Napag alaman rin aniya ng senador, na patuloy pa ring nag-ooperate ang Alisel Aquafarm sa Sual, Pangasinan, taliwas sa naging pahayag ni Guo sa nakalipas na pagdinig ng Senado na hindi natuloy ang naturang aqua farm.

Una nang ipinunto ni Estrada, na ang pangalan ng naturang aquafarm na Alisel ay kinuha sa Pangalan nina dating Mayor Alice at Mayor Liseldo. 

Nanawagan rin ang mambabatas kay dating Senador Ping Lacson, na isiwalat na ang pangalan ng umano’y kaibigan niyang Filipino-Chinese trader na nilapitan at inalok ni Guo ng P1 bilyong para ilapit siya sa first family.

Para sa senador, hindi imposibleng mag alok ng ganitong kalaking halaga si Guo dahil maliit lang ang ganitong halaga kumpara sa laki ng negosyo nila. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us