Binalaan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo ‘Dong’ Calugay na maaaring may pananagutan ito sa anti-graft and corrupt practices act.
Ito ay matapos masiwalat na naibigay sa kanyang common-law partner ang kontrata ng ilang mga proyekto sa kanilang munisipalidad.
Samantala, inamin rin ni Calugay na nakalimutan niyang ilagay sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ang kaniyang lupain na nagkakahalaga ng P1.2 million.
Tinutukoy dito ang 4,000 square meters na lupain na nabenta ng kanyang partner sa isang Veronica Soriano sa halagang P1.2 million noong July 2024.
Ang naturang resort ang kinaroroonan ng Happy Penguin Resort na pinaniniwalang pinagtaguan ni dating Mayor Alice Guo bago ito lumabas ng Pilipinas.
Pumirma naman si Mayor Calugay sa bank waiver para mapatunayan na wala siyang tinatago sa publiko at mapatunayan na wala siyang tinatagong daang milyones sa bangko bilang tugon na rin sa hamon ni Senador Joel Villanueva. | ulat ni Nimfa Asuncion