Sen. Joel Villanueva, naniniwalang si Duanren Wu ang ‘boss’ ng mga POGO sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senador Joel Villanueva na ang Chinese na si Duanren Wu ang ‘big boss’ ng mga POGO dito sa Pilipinas at siya ring nasa likod ng mga krimen gaya ng kidnapping, torture, at prostitusyon na ikinakabit sa mga POGO.

Ibinahagi ng senador na dating pulis sa China si Wu at may mga tauhan itong mga dati ring pulis at military officers sa China na dinala sa Pilipinas at tumira sa Pampanga.

Tila si Wu rin, aniya, ang boss ni dating Mayor Alice Guo at kinatatakutan nito.

Kaya naman, dapat rin aniyang isa sa mga tutukan ng imbestigasyon ng Senado ang kaugnayan ni Wu sa POGO operations sa bansa at madakip na ito at maibalik dito sa Pilipinas.

Samantala, isa rin sa mga inimbitahan sa susunod na magiging pagdinig ng Senado tungkol sa POGO operations at isyu kay Guo si JP Samson.

Sinabi ng senador na may alam ito sa paglilipat-lipat ng pera sa kompanya ng dating alkalde. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us