Nanawagan si Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na magpadala ng mga tauhan para linisin ang mga basura at anumang nakaharang sa mga kalsada at mga drainage.
Ito ay sa gitna ng nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyong Enteng at habagat.
Ayon kay Revilla, dapat tiyaking walang babara sa mga drainage system para matiyak na mabilis huhupa ang tubig at maiwasan ang pagbaha.
Umapela rin ang senador sa DPWH na i-check at ipababa na muna ang mga billboard na maaaring maging banta dahil sa lakas ng hangin.
Paalala ng mambabatas sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, kailangang maging proactive sa paghahanda sa iba’t ibang natural disasters, gaya ng bagyo. | ulat ni Nimfa Asuncion