Sen. Villanueva, nilinaw ang kanyang naging reaksyon nang makita ang pangalan ng mga sinasabing tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makatakas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Senador Joel Villanueva ang kanyang naging reaksyon nang makita ang isinulat ni Shiela Guo na pangalan ng mga kasama nilang bumabiyahe sa ibang bansa.

Si Shiela Guo ang sinasabing kapatid ni dating Mayor Alice Guo at nakasama nito sa pagtakas papalabas ng Pilipinas.

Ayon kay Villanueva, ang tinutukoy dito ay ang dalawang sekretarya at staff ng dating alkalde na sina alias “Kat” at “Gee.”

Paliwanag ng senador, kaya siya napasabi ng “bingo” nang mga oras na iyon ay dahil narinig na niya ng ilang beses at nakita sa mga affidavit ang mga pangalan na ito.

Hindi lang aniya na-collaborate ang mga pangalang ito hanggang inamin ni Shiela na travel buddies nila sina alias “Kat” at “Gee.”

Ang mga ito rin aniya ang umayos ng pagpapa-notaryo ng affidavit ng dating alkalde kahit pa wala na ito sa bansa noon.

Ipinatawag na ng Senado sina alias “Kat” at “Gee” para bigyang-linaw ang ayon kay Villanueva ay malaking papel nila sa mga galaw ni dating Bamban Mayor Alice Guo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us