Sen. Zubiri, ikinagalak ang investment pledges ng mga Japanese firms bago pa man maisabatas ang CREATE MORE Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa man naisasabatas ay nakikita na ang inaasahang pagkakapasa ng panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.

Ayon kay Senate Committee on Economic Affairs Chairperson Senador Juan Miguel Zubiri, layon ng panukala na i-streamline o pabilisin ang VAT refund para sa export oriented industries.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Zubiri ang investment pledges mula sa mga Japanese firms kamakailan na nakumpirma sa kanilang meeting kasama ang Department of Trade and Industry (DTI).

Kabilang sa mga kumpanyang nagpahayag na ng intensyong mag-expand sa Pilipinas ang MinebeaMitsumi Inc., Marubeni Corp., AEON Retail Co. Ltd., Japan Institute of Design and Promotion, at Itochu Corp., ang parent company ng Dole Philippines.

Sinabi ng senador na ang mga commitment na ito ay sa gitna ng inaasahang pagsasabatas ng CREATE MORE Bill, na kasalukuyan nang nasa lamesa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang kumpiyansa aniyang ipinapakita ng business sector ng Japan ay patunay ng katatagan ng economic reforms ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us