Senado, tiniyak ang seguridad ni dating Mayor Alice Guo sakaling mailipat na dito ang kustodiya nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Mataas na Kapulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng magiging kustodiya ni dating Mayor Alice Guo, oras na maibalik na ito sa Pilipinas.

Matapos kasi ang inquest proceedings sa NBI ay inaasahang ililipat sa Senado si Guo dahil may standing warrant of arrest ang Mataas na Kapulungan laban sa dating alkalde.

Kaugnay nito, tiniyak ni Senate Sargeant-at-Arms retired General Roberto Ancan ang magiging seguridad ni guo.

ayon kay ancan, mananatili si alice sa kwartong tinutuluyan na rin ngayon ng kanyang kapatid na si Shiela Guo.

Pwede rin aniya silang bisitahin ng kanilang mga abugado at kamag anak. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us