Naghain si Senate Minority leader Koko Pimentel ng isang resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang backlog sa mga national identification (ID) cards at para isulong ang komprehensibong rebyu sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act.
Sa ilalim ng Senate Resolution 1192, layong tugunan ang mga delay sa pamamahagi ng mga Philippine ID (PhilID) cards.
Target ng isinusulong na Senate inquiry ng minority leader na malaman kung ano ang ugat ng mga delay sa pagpapatupad ng Philippine ID system law.
Giit ni Pimentel, dapat magkaroon ng catch-up plan para maresolba ang backlog.
Binigyang diin rin ng senador ang pangangailangan na makapagtatag ng mas mahigpit na standard para matiyak ang mga mapipiling bagong supplier ng mga national ID ay mayroong sapat na kapasidad, maaasahan at may maayos na track record.| ulat ni Nimfa Asuncion