Handa si Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na sumulat sa kinauukulang korte para i-request ang presensya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa susunod na magiging pagdinig ng kanyang kumite.
Ayon kay Hontiveros, balak niyang itakda hangga’t maaga ang susunod na pagdinig ng kanyang komite tungkol sa mga alegasyon ng pang-aabuso ni Quiboloy sa mga miyembro ng KOJC.
Matatandaang nakailang pagdinig na ang Senate panel tungkol sa isyu at sa ilang beses na ring hindi dumadalo si Quiboloy kaya naman may standing warrant of arrest na ang Mataas na Kapulungan laban sa kanya.
Giit ng senadora, maraming dapat sagutin si Quiboloy sa kanilang pagdinig.
Partikular na tungkol sa mga babaeng diumano’y naging biktima ng sexual abuse at human trafficking, mga lalaking sinaktan at mga batang pinilit mamalimos.
Sa mga naunang pagdinig rin ng komite ni Hontiveros ay napag-alaman ring may mga dayuhan ring naging biktima sina Quiboloy. Ilang mga OFWs din ang sinasabing pilit na pinag-solicit sa ibang para sa mga pekeng mga foundation ng pastor. | ulat ni Nimfa Asuncion