Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga usap-usapan na may namumuo na namang palitan sa liderato ng Senado.
Sa naturang impormasyon, napapabalitang si Estrada ‘di umano ang matunog na papalit kay Escudero sa Senate Presidency.
Pero giit ni Estrada, walang katotohanan ang impormasyon na ito at wala rin siyang balak maging Senate President.
Nagtataka aniya siya kung saan nanggagaling ang ugong na ito at wala rin naman aniyang kumausap sa kanya o ‘di kaya ay nagpapirma ng resolusyon.
Tiniyak ng senador na kumportable at kuntento siya sa pamumuno ngayon ni SP Escudero.
Naniniwala rin ang Senate President Pro Tempore na suportado pa rin ng mayorya ng mga senador si SP Chiz. | ulat ni Nimfa Asuncion