Opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang senatorial lineup ng administrasyon para sa 2025 elections.
Mula sa limang partido ang kabilang sa ‘magic 12’ slate ng administrasyon na sasabak sa senatorial race sa susunod na taon.
Tatlo mula sa Partido Federal at ito ay sina dating senador Manny Pacquiao, DILG Secretary Benhur Abalos at Senador Francis Tolentino.
Dalawa ang hinugot mula sa Lakas-CMD at ito ay sina Senador Bong Revilla at Congressman Erwin Tulfo.
Apat naman ang galing sa Nationalist Party Coalition at ito ay sina dating senate president Tito Sotto, Senador Lito Lapid, dating senador Panfilo Lacson at Makati Mayor Abby Binay.
Tatlo naman ang kinuha sa Nacionalista Party at ito ay sina Senadora Pia Cayetan, Senadora Imee Marcos at Deputy Speaker Camille Villar. | ulat ni Alvin Baltazar
Photo courtesy of RTVM screengrab