SILG Abalos, tinawag na simbolo ng isang “good police officer” si Police Brigadier General Nicolas Torre III

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling dinipensahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang naging hakbang ng Philippine National Police (PNP), partikular na si Police Brigadier General Nicolas Torre III, sa pag-aresto kay Kingodm of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Ayon kay Abalos, sa kabila ng mga kritisismo at bashing na natanggap ng pulisya, job well done pa rin aniya si Torre na matagumpay na naisagawa ang kaniyang trabaho.

Sabi pa niya, isang ‘good policer officer’ si Torre na tinayuan ang lahat ng hamon para lang maipatupad ang batas.

“Sabi niyo nga kanina, they’re getting all the bashings for what? For doing their job? It’s so unfair. Torre, for me, is a symbol of a good police officer who stands on his own. Talagang tinayoan niya ito against all challenges, lahat ng hamon, he has that official objective, sabi na ating chief PNP, hanapin mo at nagawa niya.” ani Abalos

Giit pa ng kalihim, na matatanggap niya ang mga bashing sa pambansang pulisya ngunit hindi maitatanggi na nagawa ng PNP ang kanilang trabaho at ipinagmamalaki niya ito.

“I think for me, on my book, dapat lang itong taong ito mabigyan siya for a job well done. It’s a mission accomplished by the way. Not only of Torre but through Chief Mabil and the whole of PNP. I’m so proud of our PNP. Maski magbashing pa sila, okay lang sa akin yun. Ang importante rito, PNP has done its job, it’s a mission accomplished and I’m so proud of them.” dagdag pa ng kalihim ng DILG | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us