Sine Sigla sa Singkwenta at mural sa EDSA, inilunsad ng MMFF bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inilunsad ngayong araw ang Sine Sigla sa Singkwenta at ang mural sa bahagi ng EDSA.

Layon ng proyektong ito na parangalan ang mayamang kasaysayan ng MMFF habang hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng pelikulang Pilipino.

Sa pamamagitan ng “Sine Sigla sa Singkwenta” ng MMFF, maaaring mapanood ng publiko ang mga iconic na pelikula mula sa nakalipas na 50 taon ng MMFF sa halagang P50 lamang.

May kabuuang 50 pelikula mula sa iba’t ibang genre ang ipapalabas sa mga piling sinehan sa buong bansa mula September 25 hanggang October 15.

Para sa iskedyul ng pelikula at impormasyon tungkol sa mga kalahok na sinehan, mangyaring bisitahin ang Facebook page ng MMFF.

Ayon naman kay MMDA Acting Chairperson at MMFF Overall Concurrent Chairman Atty. Don Artes, layon ng inisyatibong ito na kilalanin ang mga dekada ng kontribusyon ng MMFF sa industriya ng pelikulang Pilipino, at ipagdiwang ang evolution ng mga pelikula ng MMFF sa paglipas ng mga taon.

Samantala, inilunsad din ng MMFF ang “Sine Sigla sa Singkwenta” mural sa EDSA kung saan tampok ng mga hang-painted na mukha ng mga icon ng pelikulang Pilipino tulad nina Dolphy, Eddie Garcia, Gloria Romero, Nora Aunor, Vilma Santos, at iba pa. | ulat ni Diane Lear

Photos: MMFF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us