Aprubado na ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang Foreign Currency Deposit Adjustments (FCDA) o tariff adjustment sa mga kumpanyang Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.,
Sa inilabas na abiso sa publiko, sinabi ng MWSS na magreresulta ito sa mas mataas na singil para sa mga customer ng Manila Water at mas mababang singil naman sa Maynilad epektibo sa Oktubre.
Ito kasunod ng 2.03% taas taripa sa Manila Water o katumbas ng 86 sentimos per cubic meter.
Walang magiging adjustment sa lifeline users o mga kumokonsumo ng mas mababa sa 10 cubic meters sa isang buwan.
Pero may dagdag nang P8.10 sa mga kumokonsumo ng 20cu.m at P16.54 sa mga may konsumo ng 30 cu.m
Samantala, bababa naman ang taripa ng Maynilad o katumbas ng -Php0.29 per cubic metro.
Ang Foreign Currency Deposit Adjustments (FCDA) ay ang quarterly review ng MWSS para mabigyang daan ang water concessionaires na makapagadjust ng singil batay sa galaw ng foreign exchange rates. | ulat ni Merry Ann Bastasa