Nakatakdang bumaba ang singil sa pasahe ng mga eroplano sa susunod na buwan.
Ito’y batay sa abiso ng Civil Aeronotics Board (CAB) makaraang ibaba sa Level 4 ang Passenger and Cargo Fuel Surcharge para sa Domestic at International flights.
Dahil dito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na asahan nang bababa ang pamasahe ng mula ₱117 hanggang ₱342 para sa domestic flights.
Habang papalo naman sa ₱385.70 hanggang ₱2,867.82 naman para sa international flights.
Kasabay nito, inaabisuhan ng DOTr at CAB ang mga airline company na magpataw ng fuel surcharge na hindi hihigit sa itinakdang presyo at kailangang maghain ng kanilang aplikasyon. | ulat ni Jaymark Dagala