Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng rice inflation o galaw sa presyo ng bigas sa bansa.
Pahayag ito ng DA kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 14.7% ang inflation noong Agosto mula sa 20.9% noong Hulyo.
Ito rin ang pinakamababang rice inflation mula nung Oktubre ng 2023.
Ayon kay DA Spokesperson Assiatant Secretary Arnel de Mesa, positibong development ito lalo’t nasa 25% ang ambag ng bigas sa kabuuang inflation sa bansa.
Patuloy naman aniyang target ng pamahalaan na maibaba sa single-digit ang rice inflation.
Ito ay sa tulong na rin ng mga programa gaya ng EO62 o ang bawas taripa sa imported na bigas na nararamdaman na aniya ng mga consumer.
Katunayan, sa ngayon ay may mga nakikita na aniyang ₱45 na kada kilo ng regular at well milled rice sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa