Sinseridad ng CPP-NPA-NDF sa exploratory talks, kinuwestyon ng NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestyon ng National Security Council (NSC) ang sinseridad ng CPP-NPA-NDF sa ongoing exploratory talks sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista.

Sa isang statement, kinontra ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang akusasyon ni Ms. Julieta de Lima-Sison ng NDF na nagbibigay umano ng “contradictory signals” ang pamahalaan tungkol sa pag-uusap ng dalawang panig.

Bwelta ni Malaya, kung mayroong nagpapalabas ng “contradictory signals,” ito ay ang CPP-NPA-NDF at hindi ang pamahalaan.

Paliwanag ni Malaya, sa kabila ng paglagda ng CPP-NPA-NDF sa joint communique tungo sa pag-uusap ng dalawang panig, inilunsad naman nila noong Disyembre ang kanilang “3rd Rectification Movement” na nagsusulong ng armadong pakikibaka.

Kailangan aniyang ayusin muna ng CPP-NPA-NDF ang kanilang posisyon sa pakikipag-usap sa pamahalaan sa loob mismo ng kanilang samahan.

Binigyang-diin naman ni Malaya, na committed si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa exploratory talks basta’t ipakita ng CPP-NPA-NDF ang kanilang sinseridad sa pagwawakas ng armadong pakikibaka.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us