Ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw, September 7, ang operasyon nito sa pagsipsip ng langis mula sa lumubog na barkong MTKR Terra Nova sa Limay, Bataan matapos ang mga pagkaantala ng ilang araw dahil sa masamang lagay ng panahon.
Pero bago ang suspensyon nitong September 1, nakahigop na ang Harbor Star, ang kumpanyang kinontrata para sa nasabing operasyon, ng mahigit sa 1.25 milyong litro ng langis. Bukod dito, as of September 5, naipadala na rin ang humigit-kumulang 1.2 milyong litro ng nakolektang langis sa isang treatment facilty na matatagpuan sa Marilao, Bulacan.
Maaalalang naantala nasabing siphoning operation mula nang ikalawa hanggang ika-anim ng Septyembre dahil sa malakas na alon at masamang panahon dala ng nagdaang Bagyong #EntengPH upang maiwasan ang posibilidad ng oil leaks.| ulat ni EJ Lazaro