Nagisyu ngayon ng Memorandum ang National Telecommunications Commission (NTC) sa Smart Communications, Inc. kaugnay ng naranasang malawakang mobile service interruption ng postpaid at prepaid subscribers ng Smart at Talk and Text sa Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.
Batay sa inisyal na ulat ng NTC, nagsimulang maranasan ang service outage kagabi, Sept. 18.
Sa naturang memo, inatasan ang Smart na agad na resolbahin mobile service disruptions at magsumite rin ng hourly written report sa komisyon sa dahilan, lawak ng outage at mga ginawang hakbang para ayusin ang aberya.
Inatasan din ang telecommunications network na tiyaking agad matutugunan ang mga tawag/mensahe at reklamo mula sa kanilang mga customer. | ulat ni Merry Ann Bastasa